CHICO LOCO



PERSONAL INFO

Name: Itanong mo na lang sa nanay kong si Aling Elsie

On-Air Alias: Chico Loco

Tagline: “PACKING TAPE!!!”

Program Hour: Weeknights, alas-nuwebe ng gabi hanggang alas-dose ng madaling araw
Physical Asset: Edi pisngi! Yabang mo!

Zodiac Sign: malaking Aries

Lucky Anez-Anez: Teka lang dude, mag-iisip lang ako ha. Wait lang…

FAVORITES, HOBBIES & INTERESTS
Ano ang paborito mong kalikutin kapag walang nakatingin?
Mangulangot tapos bilugin at pitikin, magkamot ng kung ano tapos aamuyin, magtinga tapos kainin ulet. Ayun lang naman…simple lang.

Sinong local female showbiz personality ang gusto mong maka-date?
Si Sarah Geronimo o kaya si Eugine Domingo. O kaya… IKAW na nagbabasa ngayon yiiiieee…!!! Nyahahaha!

Anong type ng underwear ang paborito mong suotin?
Yung saktong pagkaka-fit lang para hindi magkaroon ng ‘agihap’. Ang agihap ay ang libag o maitim na markang naiwan sanhi ng mahigpit na brief o panty.

Magbigay ng tatlong (3) movies na ayaw mong panoorin kapag mag-isa ka lang.
Yung mga palabas na kadiri! Mga tipong may mga napuputol na anez anez at may dugo-dugo. Tsaka yung bold. Ayoko kaya nun… bad yun eh… nyahahaha!

Ano ang pinaka-hate mo na ulam?
Ampalaya!!!

Favorite line mo mula sa isang romantic movie.
“Lahat sila nagmamahalan na – gasolina, pamasahe, bilihin, toll gate. Lahat sila nagmamahalan… tayo nalang ang hindi pa.” Nyahaha! (gawa-gawa ko lang yan)

HOT SEAT
Sa anong body part ka may kiliti?
Eh bakit ko sasabihin sa ‘yo??? Baka kilitiin mo ‘ko pag nakita mo ‘ko edi sinapak kita bigla! Nyaha!

Anong parte ng katawan mo ang kadalasang sinasabihan na “ohh…that’s nice”?
Yung ano ko… yung… yung… ahhhmmm…. Nakakahiya eh…. Wag na!

Magbigay ng tatlong (3) showbiz personality na hinahangaan mo.
Basta yung mga madalas lumabas sa nga indie films kahit may pangalan na.

Para sa iyo, ano ang pinaka-sexy na body part ng isang babae?
Yung bewang. Yung tipong pag nakita mo eh mapapa “oooohhhhh lalahhh” ka nyahaha!